Inihayag ni James Reid na maganda ang takbo ngayon ng karera Liza Soberano na maraming proyekto sa ilalim ng pangangalaga ng kaniyang label na Careless Entertainment.


“She’s still under Careless Music Entertainment. She’s still doing the film in Hollywood. She’s still working on a lot of projects, both in the U.S. and here,” pagbabalita ni James tungkol kay Liza sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes.

“Her work takes her everywhere,” pagpapatuloy ni James.

Ayon kay James, may mga kakilala rin sila sa U.S. na “very knowledgeable” sa U.S. entertainment na nagko-co-manage sa karera ni Liza.

“She’s doing great, she’s doing great. We’re very proud of her and everything that she’s accomplished,” saad ni James.

Nitong Pebrero, nag-Hollywood debut si Liza sa pelikulang “Lisa Frankenstein.”

Ginampanan niya si Taffy, ang stepsister ng bidang si Lisa.

Pumirma si Liza sa talent agency ni James noong nakaraang taon.-- FRJ, GMA Integrated News