Gaya ng ibang sumasali sa mga contest, hindi rin nakaiwas international theater actress na si Rachelle Ann Go sa mga pangungutya at pambu-bully ng ibang tao. Alamin kung papaano niya ito hinarap.
Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Rachelle Ann o Shin, ang pagkahilig niya sa musika mula pa noong pagkabata. Aniya, siyam na taong gulang pa lang siya nang sumali siya sa mga amateur singing competition.
COVER STORY: Rachelle Ann Go: Living the Dream
Dito maagang nakaranas ang batang si Rachelle ng pambu-bully nang magparinig ang mga katunggali niya na hindi siya mananalo at sinasabihang pangit at hindi magaling.
Taong 1998 nang sumali naman siya sa "Birit Baby" ng programang "Eat Bulaga," at doon na unti-unting nagbukas ang mundo ng showbiz sa kaniya.
Noong 2003, itinanghal siyang grand champion sa "Search for A Star" ng GMA.
Bagaman nakaranas pa rin naman daw siya ng pambu-bully, nang panahong iyon ay nagkakaroon na umano si Rachelle ng mga kaibigan.
Panoorin ang naging showbiz career ni Rachelle sa GMA Network; ang pagkakaroon niya ng mga recording album, ang pagiging aktres, hanggang sa mapasok na mundo ng teatro.
--FRJ, GMA News