Balik-Kapuso ang stage and film comedienne na si Candy Pangilinan sa bagong GMA Afternoon Series na "My Special Tatay," na pagbibidahan ni Ken Chan. First time na nakatrabaho ni Candy si Ken at puring-puri niya ang pag-arte ang aktor.
Alam daw ni Candy na pinag-aralan ni Ken ang pagganap nito sa karakter na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder.
"Ang galing ng batang yan.
“Kuhang-kuha niya ang character niya.
“Nakikita ko na pinag-aralan niya nang mabuti ang bawat kilos ng character niya.
"Makikita mo naman sa mga mata ni Ken na he's really focused.
"May laman ang bawa't kilos at pagbitaw niya ng mga linya.
"Kapag kaeksena ko siya, hindi siya nawawala sa character niya.
“Marunong siyang magbigay at tumanggap. Yun ang importante sa isang aktor.
"Sobra akong na-impress sa kanya talaga.
“Very consistent siya dahil napaka-delicate ng role na ginagampanan niya," dagdag pa ni Candy, na taong 2015 pa ang huling teleseryeng ginawa ni Candy sa GMA-7 na MariMar na pinagbidahan ni Megan Young.
Samantala, matagal nang single si Candy pero bakit nga ba kahit nagkaroon siya ng ilang ka-date ay pinili pa rin niyang maging single?
Sabi ni Candy, hindi niya priority ang magkaroon ng boyfriend dahil mas importante raw sa kaniya ang mga pangangailangan ng kaniyang anak na may special needs.
Pag-amin niya, "Gano'n talaga, di ba?
“May mga choices ka sa buhay at dapat happy ka sa napili mong iyon.
"I choose to prioritize my son because I want to provide everything that he needs.
“Kahit na kaming dalawa na lang sa mundong ito, okey lang.
"Ang mga lalake naman, nandiyan lang naman sila. Hindi naman tayo mauubusan.
"I tried going out on dates before, pero wala talaga doon ang focus ko.
"Kunsaan naman may offer at maganda naman ang role, siyempre hindi ako tatanggi.
“Kelan ba ako tumanggi sa isang TV project, di ba?
"Thankful ako kay Lord na hanggang ngayon ay kinukuha pa rin tayo at minsan sunud-sunod ang blessings na dumarating," pahayag ni Candy nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media conference ng My Special Tatay sa GMA Network Center noong nakaraang August 28.-- For the full story, visit PEP.ph