Hindi na mawawala ang sibuyas sa halos lahat ng putaheng Pinoy dahil sa nakadadagdag ito ng linamnam sa lasa ng pagkain. Pero puwede rin ba itong gawing flavor sa ice cream? Alamin.

Sa nakaraang episode ng programang "Pinas Sarap," ipinakilala si Adriano "Anggoy" Castro sa Nueva Ecija, na apat na dekada nang sorbetero at gumagawa ng sibuyas ice cream.

"Kasi lahat... Mapag-imbento ako ng pagpi-flavor eh. 'Yung mais, pati 'yung pork and beans. 'Yung durian, langka, mga prutas. Pangkaraniwan nang flavor 'yan eh," sabi ni Mang Anggoy.

Hanggang sa maisipan niya na gawing flavor ang sibayan na nag-click naman daw.
"Ang pinuhunan ko lang noon, P180," pagpapatuloy niya.

Tunghayan sa "Pinas Sarap" ang proseso ni Mang Anggoy sa paggawa ng sibuyas ice cream. Pumasa naman kaya ang lasa nito sa host ng programa na si Kara David? Panoorin. -- FRJ, GMA Integrated News