Isang sports utility vehicle (SUV) ang bumangga sa center island, bumaliktad, at tumama sa harang sa northbound section ng Skyway. Ang driver ng sasakyan, nasawi.
Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, nagliyab pa ang sasakyan kaya nasunog ang driver nito na hindi na nagawang makalabas.
“Makikita natin yung larawan o position noong [sakay]nakahiga doon po sa passenger seat sa likod," ayon kay Police Lieutenant Nadame Malang,Spokesperson, Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).
"Beyond recognition itong taong ito even yung gender hindi natin matukoy,” dagdag pa ni Malang.
Batay sa nakalap na impormasyon ng HPG, mabilis umano ang takbo ng sasakyan bago naaksidente.
Human error at mechanical failure ang dalawang posibleng dahilan na tututukan ng mga awtoridad.
The HPG has requested CCTV footage from Skyway management to aid in the investigation. Meanwhile, GMA Integrated News is also trying to get a statement from the management.
“Based sa impormasyong nakuha sa security ng skyway at isang witness na bystander my kabilisan ang takbo ng driver na ito, hayaan niyo magpatuloy ang aming imbestigasyon para malaman ang bilis ng takbo nitong sasakyan po na ito,” ani Malang na sinabing humingi na sila sa Skyway ng ng kopya ng CCTV footage sa insidente. -- FRJ, GMA Integrated News