Ang mga OFW na nagsisikap para sa magandang kinabukasan ng mga mahal sa buhay ang nabigyan ng pagkakataon na maglaro sa programang "Wowowin."

Si Izza, maagang nagkaroon ng anak pero pinatunayan pa rin niya sa kaniyang magulang na kaya pa rin niyang maabot ang kaniyang mga pangarap sa pamamagitan ng kaniyang talento sa pag-awit.



Nagtrabaho rin sa ibang bansa si Yeng at tinupad ang pangarap ng kaniyang ina na isang  OFW din nang makasali siya sa "Wowowin." Ipinakita rin niya ang pagmamalasakit niya sa kaniyang nakababatang kapatid na babae.



Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News