Simula Disyembre, gagawin nang downloadable ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ePhilID, o digital version ng national ID.

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Biyernes, sinabi ng PSA na para lamang ito sa mga nagbigay ng kanilang cellphone number noong nagparehistro para sa national ID.

Ipadadala ng PSA ang isang one-time password sa cellphone number para ma-access ang downloadable digital version.

Target mailabas ang 20 milyong ePhilID sa mga susunod na buwan. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News