Pumanaw nitong Martes si dating senador John Henry Osmeña, na alkalde ngayon ng Toledo sa Cebu.

Sa isang pahayag, sinabi ni Annie Osmeña-Aboitiz, kapatid ng dating senador, sinabing pumanaw ang alkalde dakong 2:45 p.m. sa kaniyang unit sa Maryville Condominium.

Kaagad naman ipina-cremate ang kaniyang mga labi.

"Schedule of Holy Masses through zoom will be announced soon," sabi ni Aboitiz. --FRJ, GMA News