Isang bangka na may lulan na 16 na pasahero at crew ang tumaob ngayong Lunes sa karagatang sakop ng Mauban, Quezon.
Hinampas ng malalaking alon ang bangka habang patungo sana ito sa bayan ng Burdeos sa Quezon.
Nasagip ng mga rescuers mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Mauban, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police at mga volunteer ang mga pasahero ng bangka.
Naging pahirapan ang rescue operation dahil sa masamang panahon.
Pasado alas 3 na nga hapon nang makabalik sa bayan ng Mauban ang mga nailigtas at rescuers.
Walang nasugatan sa mga biktima. — BAP, GMA News