Itinuturing na biyaya ng mga residente sa isang barangay sa Placer, Masbate ang aabot 2,000 kilo ng buhay na isang tamban na natagpuan nila sa baybayin.
Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Miyerkules, makikita ang mga residente na kaniya-kaniyang pulot ng mga isda na inilagay nila sa mga banyera.
Ito raw ang unang pagkakataon na nangyari na may ganoong karaming isda na napadpad sa kanilang lugar.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol region, sardine beaching ang nangyari o maramihang migration ng mga isda.
Isa sa mga posibleng dahilan nito ang pagbabago ng temperatura sa dagat.
Bukod sa bayan ng Placer, tone-toneladang isda rin ang nahuli sa Camarines Sur kamakailan, ayon sa ulat.
Noong nakaraang Pebrero, tone-toneladang isdang "lupoy" ang napadpad naman sa dalampasigan ng isang barangay sa Mandaon sa Masbate rin.---FRJ, GMA Integrated News