Kinagigiliwan ang isang mag-inang kalabaw na kulay pink ang balat sa Hamtic, Antique.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, makikita na naliligo sa ilog malapit sa isang cafe ang mag-inang kalabaw kaya instant attraction sila sa mga customer.
Kaya ang ilang customer, lumalapit at nagpapa-picture rito.
Sinabi ng mga beterinaryo na posibleng may kondisyong albinism o abnormalities sa kulay ng balat ang mag-inang kalabaw.
Dagdag ng mga beterinaryo, isa itong gene expression na hindi pangkaraniwan.--Jamil Santos/FRJ, GMA News