Dinagsa ng mga tao sa isang barangay sa Paracale, Camarines Norte ang ginawang pag-ahon sa isang malaking tipak ng bato na nakuha sa ilog at pinaniniwalaang may nakadikit na ginto.
Sa laki at bigat ng bato, kinailangang gumamit ng crane at alalayan ng maraming tao. Nang maiahon ang bato, makikita na may halo itong kulay kalawang.
Para sa samahan ng mga minero sa Paracale, hindi na umano bago sa kanila ang makabalita ng bato na may nakukuhang ginto.
Kilala kasi ang Paracale na sagana sa ginto at binansagan itong "Little Town of Gold."
Pero totoo nga kayang may ginto sa nakuhang malaking tipak na bato, at magkano naman kaya ang halaga nito? Alamin ang kuwento sa video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho." --FRJ, GMA News