Kung may Pinoy artist na kayang mag-drawing ng sabay-sabay habang gamit ang limang lapis o ballpen, ang isa namang Libyan artist, mga kamay at paa ang kayang mag-drawing nang sabay-sabay.
READ: Pinoy artist, kayang mag-drawing ng hanggang limang mukha nang sabay-sabay
Sa ulat ng Reuters, kinilala ang Libyan artist na si Ahmed Mahmoud, mula sa Benghazi.
Kaya rin ni Mahmoud na mag-drawing gamit ang 10 niyang daliri na lalagyan ng mga marker. Iyon nga lang, kung minsan ay hirap daw siyang kunin ang kaniyang mga gamit.
Kailangan din niyang lampasan ang pagkawala ng interes sa pagguhit.
"I liked to have new challenges and new things to try and I'm still learning and trying to improve myself," saad niya.
"Maybe, one day there will be a new form of art... or a new style of drawing - other than what we are used to," dagdag pa ni Mahmoud
Gumagawa rin ng murals si Mahmoud na tampok ang mga pinakasikat na soccer players para ipakita ang kaniyang talento sa paggunit. —FRJ, GMA News