Sa panahon ng pandemya, hindi lang ang mga tinamaan ng COVID-19 ang nagdurusa. Ang mga taong mayroon ding iba pang malubhang karamdaman gaya ng Chronic Kidney Disease o CKD na kailangan ng regular na dialysis, apektado rin.

Hindi biro ang hirap na pinagdadaanan ng mga may CKD. Bukod sa pisikal na epekto sa katawan, malaking halaga din ng gastusan ang kinakailangan ng mga nagpapa-dialysis at kung kailangan na talaga nila ng kidney transplant.

Pero totoo nga bang maaaring magsimula sa UTI o Urinary Tract Infection ang CKD? Tunghayan ang pagtalakay na ito ng programang "Pinoy MD" at alamin ang mga sintomas ng UTI, ano ang mga paraan para makaiwas sa sakit, at mga pagkain na maaaring magpalubha sa karamdaman. Panoorin.


--FRJ, GMA News