Dahil sa problema sa trapiko, mahigpit ang kampanya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga sasakyang iligal ang pagkaparada. Upang hindi matekitan o magastusan sa towing, alamin ang mga patakaran sa pagparada sa kalye at sa mga trak na awtorisadong manghatak ng mga sasakyan.

Sa panayam ni Ivan Mayrina, ipinaliwanag ni Bong Nebrija, chief of operations ng MMDA, na bawal magparada ng mga sasakyan sa lahat ng national at "Mabuhay" lane.

Ang mga sasakyan na paparada sa nabanggit na lugar, tiyak na mababatak.

Maaari naman umanong pagbigyan at hindi mabatak ang mga sasakyan na kailangang tumigil sandali nang hindi hihigit sa limang minuto.

Gayunman, hindi man mababatak ang kanilang sasakyan, kailangan silang tekitan.

Dapat din alamin kung awtorisado o accredited ng MMDA ang mga tow truck.

Malalaman daw ito sa pamamagitan ng logo ng MMDA na makikita truck, may nakalagay na pangalan ng company at towing body number, at nakalagay din ang taripa o babayaran ng mahahatak na sasakyan.

Panoorin ang buong paliwanag ni Nebrija:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News