Nasawi ang isang pitong-taong-gulang na babae na makitang nakabigti sa plastic straw o plastik na tali na nakasabit sa pinto sa Canlaon City, Negros Oriental

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabi ng ina ng biktima na nagpaalam ang kaniyang anak maglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na posibleng may tinuntungan ang bata na mataas ng bagay para mailusot niya ang kaniyang ulo sa nakataling plastic straw sa pintuan.

Posibleng nadulas umano ang bata kaya nangyari ang trahediya, hanggang sa makita siya ng kaniyang lola.

Bagaman hinihinalang aksidente ang nangyari, pagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya.— FRJ, GMA Integrated News