Nasawi ang isang 15-anyos na estudyante na nakainom matapos siyang mahulog mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kaniyang kaklase sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nag-iinuman ang binatilyo, ang kaniyang kuya at kaniyang kaklase.

Nagpaalam ang biktima na matutulog na. Ilang saglit lamang, narinig ng kaniyang kuya na tila may bumagsak sa lupa.

Agad na tumawag ng tulong ang kuya ng biktima.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Nailibing na ang biktima nitong Miyerkoles. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News