Natagpuang patay at duguan sa loob ng inuupahan niyang kuwarto ang isang babaeng guro sa Barangay Pasig sa Claveria, Masbate.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na Jessabel Mangubat, na pinaniniwalaan din na tinangkang pagsamantalahan ng salarin.

Nakita ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang isang palakol na pinaniniwalaang ipinalo sa biktima.

Nahuli kinalaunan ang suspek na kinilalang si Alvin Yanzon, isang construction worker.

Hindi nagbigay ng pahayag si Yanzon, na sasampahan ng reklamong attempted rape with homicide.--FRJ, GMA News