Patay ang apat na magkakamag-anak, kabilang ang isang limang taong gulang na bata, matapos silang walang habas na pinagbabaril dahil sa clan war umano sa Zamboanga City.
Sa ulat ng GMA News "Saksi," sinabing sakay ng motorsiklo ang magkakamag-anak at pauwi na nang tambangan sila ng mga hindi pa matukoy na salarin.
Ayon sa mga police, apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang nasa likod ng krimen.
Tinitingnan ang anggulong clan war o rido bilang isa sa mga motibo ng pagpaslang. —Jamil Santos/LBG, GMA News