Isang lalaki ang nasawi matapos niyang aksidenteng mapana ang sarili sa mata sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Sa ulat ng GTV News “State of the Nation” nitong Miyerkoles, sinabing nanghuhuli ng alimango ang biktima nang madulas siya at mapana ang sarili.
Ayon sa kasama ng biktima, nagawa pa nitong makapagsalita pero nawalan ng malay matapos hugutin ang pana.
Naligaw pa umano sila habang papunta sa ospital.
Hindi naman makapaniwala ang mga magulang ng biktima sa sinapit ng anak.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.--FRJ, GMA Integrated News