Ilang punerarya ang iniimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City sa Pangasinan dahil umano sa paglabag sa health and safety protocols, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Mismong alkalde raw ng lungsod ang saksi sa paglabag ng mga punerarya.
Kabilang sa paglabag ang hindi pagsunod sa limitadong bilang ng mga pumupunta sa burol.
Base rin sa regulasyon, hanggang limang araw lang dapat ang burol at 30 katao lang ang puwedeng makipaglibing.
Giit ng mga punerarya, patuloy naman ang pagpapaalala nila ng mga panuntunan. —KBK, GMA News