Hindi pa man nakakabangon ang Quezon sa epekto ng nagdaang bagyong Ofel at Pepito ay isa na namang bagyo ang nagbabantang manalasa sa lalawigan.

Sa mga forecast track kasi na ipinapakita ngayon ay posibleng dumaan ang bagyong Quinta sa southern Quezon.

 


Naghahanda na ang mga taga Quezon sa pagdating ng bagyo. Sa bayan ng San Francisco ay makikitang inipit na ng mga kawayan ang bubong ng ilang bahay.

 

Dexter Ledesma
Photo: Dexter Ledesma

Nagpalabas narin ng Memorandum si Quezon Governor Danilo Suarez hinggil sa mga dapat gawing paghahanda sa parating na bagyo. Inalerto na ang mga LGU ng mga bayan na prone sa pagbaha at landslide. Naka alerto narin ang PDRRMO, PNP, BFP, PCG at AFP.

 

Sa mga oras na ito ay maayos ang panahon sa probinsya.

Nangangamba ang mga residente ng Barangay Tikiwan sa Calauag na ngayon ay lubog pa rin sa baha. Posible kasing tumaas na naman ang baha kung magdadala ng maraming ulan si Quinta. —LBG, GMA News