Hindi na nagising si Ricardo Burce, 55-anyos, ang umaming pumatay at nanggahasa sa isang 8-taong gulang na batang babae sa Candelaria noong isang linggo.

Ayon sa Candelaria Municipal Police Station, ginigising raw nitong Miyerkules ng umaga si Burce ng kapwa inmate, subalit hindi na raw ito gumagalaw at hindi na humihinga.

 

Photo by Peewee Bacuño
Photo by Peewee Bacuño

Agad umanong ipinaalam ang sitwasyon sa officer na naka duty at dali-daling isinugod sa Candelaria District Hospital si Burce.  Subalit, idineklara itong dead on arrival.

Matatandaang dinukot, ginahasa, at pinatay ng suspek si Jenelle Sanchez ng Candelaria noong January 5. Itinapon ang katawan ng biktima sa masukal na bahagi ng kanilang barangay. —LBG, GMA News