Hinataw ng isang barker sa Dasmariñas, Cavite ang jeep ng tsuper na hindi nagbigay ng pera sa kaniya.
Sa ulat ni Ivan Mayrina sa Unang Balita nitong Huwebes, makikitang nakikipagtalo ang barker sa drayber ng jeep habang hawak-hawak ang isang pamalo.
Sinubukan siyang pakalmahin ng isang pasahero subalit lalo lamang nagalit ang barker kaya't pinagpapalo niya ang jeep hanggang sa ito'y makaalis. —Anna Felicia Bajo/LBG, GMA News