Nagluluksa ang socialite and content creator na si Small Laude sa pagpanaw ng kaniyang ama na si Andres Antonino Eduardo, na tinatawag niyang “Daddeh.”

Sa Instagram Stories nitong Biyernes, nag-post si Laude ng video ng kaniyang ama na may nakasaad na, “Heaven gained an angel, rest easy, daddeh.”

“I miss you so much,” saad pa niya na may kasamang broken heart emoji.

Sa isa pang post, ibinahagi ni Laude ang detalye ng burol at libing ng kaniyang ama.

Nakasaad dito ang viewing para sa pamilya sa January 31, at viewing para sa pamilya at mga kaibigan mula February 1 to 4 (2 p.m. to 10 p.m.) sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City.

May daily mass mula 6 p.m. hanggang 7 p.m., at funeral mass sa February 5, sa ganap na 9 a.m. Susundan ito ng paghahatid sa huling hantungan ng kaniyang ama sa Heritage Memorial Park sa Taguig City. — FRJ, GMA Integrated News