Inilahad ni Britney Spears na hindi na siya babalik sa music industry, kasabay ng pag-amin na naging ghostwriter siya ng dalawang taon.

Sa ulat ng Saksi, sinabing naging matunog na ilalabas umano ang ikasampung studio album ng Princess of Pop.

Base sa ulat ng ilang US tabloid, ilang singer-songwriter ang inawitang mag-compose para sa kaniya.

“Just so we're clear most of the news is trash !!! They keep saying l'm turning to random people to do a new album ... I will never return to the music industry !!!” tugon ng American singer.

“l've written over 20 songs for other people the past two years !!! I'm a ghostwriter and I honestly enjoy it that way !!!” pagpapatuloy ni Britney.

Kasunod nito, itinanggi rin ni Britney na ilegal at walang basbas ang pag-release ng kaniyang autobiography.

“I'm so LOVED and blessed !!!” sabi niya. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News