Sanib-puwersa ang mga 2016 Sang'gre at mga bagong tagapangalaga ng apat na brilyante sa bagong teaser ng inaabangang "Encantadia Chronicles: Sang'gre."

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, ipinasilip ang teaser na naka-party mode sina Danaya, Pirena, Amihan at Alena na ginampanan nina Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

Nakisama rin sa party sina Terra, Adamus, Flamarra at Deia, na gagampanan nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva at Angel Guardian.

May una nang teaser ng inaabangang drama fantasy series na ipinakita noong Nobyembre.

Abangan ang "Encantadia Chronicles: Sang'gre" sa GMA.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News