Sinabi ni Pauleen Luna na ipinagdarasal niya na mabiyayaan pa sila ng mister niyang si Vic Sotto ng isa pang anak.

Sa Instagram, nag-post si Pauleen ng larawan ng kanilang unica hija ni Vic na si Tali.

"Forever you and me," saad ng Eat Bulaga dabarkads na si Pauleen.

Inihayag din ng aktres at TV host na nagdarasal siya "for a baby sis/bro for Tali bachuchi tho!"

 

 

Sa kaarawan ni Tali noong Nobyembre, sinabi niya na wish niyang magkaroon ng baby sister.

Nitong nakaraang Enero, ipinagdiwang nina Pauleen at Vic ang kanilang 6th year wedding anniversary.

—FRJ, GMA News