Inihayag ni Winwyn Marquez na masaya siya ang kaniyang love life sa piling ng isang "a very private person."

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras" nitong Lunes, sinabi ng Kapuso actress na nais muna niyang maging pribado ang kaniyang buhay-pag-big.

Handa naman daw si Winwyn na ipakilala ang kaniyang nobyo pero sa ngayon ay "really really, really happy" raw siya.

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Winwyn ang kasiyahan sa ipinapakita suporta sa kaniya bilang fan ng South Korean group na BTS.

 

 

Halos dalawang taon din single si Winwyn matapos ang breakup nila ng kapuwa Kapuso na si Mark Herras noong 2019.

Si Mark naman, isa na ngayong ama matapos isilang ng kaniyang fiance na si Nicole Donesa ang kanilang baby boy na si Mark Fernando.

Napapanood si Winwyn sa GMA series na "Owe My Love," at bibida rin sa pelikulang "Nelia." --FRJ, GMA News