Sa programang "Tunay Na Buhay," ikinuwento ni Clint Bondad kung bakit mula sa Germany ay napunta siya sa Pilipinas. Inilahad din niya ang kaniyang mga natutunan sa buhay, kabilang sa aspeto ng pakikipagrelasyon.

Sa panayam ng host na si Pia Arcangel, inamin ni Clint na 17-anyos siya nang ipinadala siya ng kaniyang mga magulang sa Pilipinas para magtino dahil sa pagiging pasaway niya. Dito na siya nagkolehiyo kasabay ng pagsubok sa pagmomodelo.

Taong 2016 nang makapasok siya sa showbiz, kung saan unang pelikula niya ang "Girlfriend For Hire," kasama si Andre Paras. Taong 2018 naman nang una siyang mapanood sa Kapuso Network.

Naging co-host din siya ng "Eat Bulaga," at ngayo'y cast member ng Kapuso primetime series na "Love You Two."

Matapos mapabalita ang breakup nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong nakaraang Pebrero, sinabi ni Clint na hindi niya muna iniisip ang love life ngayon.

READ: Clint Bondad speaks up about breakup with Catriona Gray

"I'm too busy with work," natatawa niyang sabi.

"I think what I did wrong was I took certain things too serious, probably. So I think sana in your 20s you're supposed to, you know, experience a little bit... Kasi it's very, 'yung problema kasi sa relasyon, for me especially, I get very serious, sobrang serious. And I put a lot of pressure on everyone, myself included," dagdag ni Clint.

"Dati kasi natatakot ako sa showbiz kasi you'll never know kung it it's gonna work out, kung hindi. And of course iniisip mo lang 'yung partner mo rin. So it's difficult to make decisions habang natatakot ka," patuloy niya.

Panoorin sa naturang video ang aral ng kaniyang Tunay na Buhay.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News