Buo na ang final 6 ng "Starstruck" season 7 matapos ma-eliminate sa competition ni Dani Porter nitong Linggo.

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing si Dani ang nakakuha ng pinakamababang resulta ng pinagsamang boto ng judges at publiko.

Aminado si Dani na nalungkot siya sa nangyari, at mami-miss daw niya ang kapwa-artista hopefuls na naging close na sa kaniya.

Sa pagtatapos ng kaniyang "Starstruck" journey, ipagpapatuloy daw ni Dani ang kaniyang pag-aaral.

Pero bilang isa sa mga pinaka-kuwela sa batch ngayon ng "Starstruck," gusto rin daw niyang i-pursue ang career sa comedy.

"Kung ano po 'yung itinadhana sa akin, kung ano po 'yung destiny ko, 'yung binigay sa akin ni God, tatanggapin ko po 'yon," ayon kay Dani.--FRJ, GMA News