Malapit nang magbalik sa pagho-host sa showbiz segment  na "Chika Minute" ng GMA News "24 Oras" si Iya Villania matapos na isilang si baby Leon.

"Next week na 'yung last week ko of maternity leave tapos babalik na ako October 8," saad ni Iya nang makapanayam ng showbiz reporters nitong Biyernes sa Quezon City.

"I’m really excited to resume my hosting chore. I missed my work and my colleagues... My short rest has rejuvenated me. In a few weeks, I’m back to work," dagdag niya.

 

 

Matatandaang isinilang ni Iya si baby Leon nitong Agosto.  Dahil sa maternity leave, nagkaroon daw ng quality time si Iya sa pamilya.

"The time I spent with my family during my short break was priceless. I was able to spend quality time with Drew, Primo, and Baby Leon who is now more than a month old. Time flies really fast! Parang kailan lang when I had him in my tummy. Primo is growing up very fast," saad niya.

Masaya si Iya na hosting pa lang muna ng Chika Minute ang kaniyang magiging trabaho para kahit papaano ay matutukan pa sina Primo at Leon.

"So far ito and of course endorsements. I'm okay with these so far. I'm happy na ito pa lang 'yung load ko. I'm letting the papa (Drew Arellano) do all the work. Okay na munang si papa 'yung busy," aniya.

"Kasi nasa akin 'yung gatas eh, so I need to be home more. For the meantime okay na kami sa ganito," dagdag niya. "Balik sa trabaho dahil may mga bata na kailangan pag-aralin. I need to save up for their education, but first for their diapers."

Mas kalmado kay Leon

Pag-amin ni Iya, mas na-e-enjoy niya ngayon ang newborn stage kumpara noong isilang niya si Primo.

"Alam mo, ngayon ko masasabi na na-enjoy ko 'yung newborn stage. Kasi kay Primo hindi ko masyadong na-enjoy. Bagal na bagal ako sa oras. Mas challenging 'yung pag-aalaga kay Primo kasi siya 'yung tipong newborn na gusto lang magpakarga. Ayaw niyang matulog kapag binaba mo. As in 15 minutes magigising na siya, so buhat ko na naman siya," kuwento ni Iya.

Ayon kay Iya, natuto na siyang mag-relax kaya relaxed na rin si Leon.

"Mas enjoy ako, mas relaxed ako, mas alam ko 'yung ginagawa ko. I also think malaking bagay din 'yung mas kalmado ako kasi magiging kalmado rin si Leon. Feeling ko kaya rin siguro naging mahirap si Primo noong umpisa kasi stressed ako. Apparently, nararamdaman din 'yun ng bata," patuloy ng TV host.

"I think Leon will be much easier kasi 'yung mga pinagdaanan ko kay Primo," pahabol niya. -- FRJ, GMA News