Inihayag ni Miss World 2013 Megan Young na bagama't dati raw niyang insecurity ang pagkakaroon ng malaking balakang, natututo na raw ang Kapuso actress na naging proud dito at yakapin ang kaniyang "flaws."

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing patuloy si Megan sa pagbibigay-inspirasyon sa iba pang mga babae na huwag ikahiya ang kanilang balakang.

Matatandaang nag-"hips don't lie post" si Megan sa Instagram habang naka-two piece swimsuit, kung saan umani ng papuri ang kaniyang kaseksihan.

"I wanna show other balakang babes out there na you don't have to be ashamed of your balakang, whether you have a big one or not, you know, don't be ashamed of it. It's your body and there are ways to learn to love your body," paliwanag niya.Magiging special guest naman si Megan sa gaganaping Fil Fest USA na handog ng GMA Pinoy TV at Fil Fest USA LLC sa Norfolk Waterside District sa Oktubre 14.

Life passion talaga ni Miss World 2013 pag-travel kaya excited daw siyang mag-perform para sa mga Kapuso abroad at kanyang fellow Filipino-Americans.

"It is a celebration of Filipino-American culture and I am Filipino-American so it's nice to have that representation and bringing Filipino culture in the US with our fellow kababayans," ayon kay Megan.

Ayon pa sa beauty queen, "homecoming" daw ang kaniyang pagbalik sa Virginia kung saan siya ipinanganak.

"It's kind of like a mini homecoming for me. I'll be visiting my family after the show and family in Newport. So I'll be visiting them after."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News