Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang 10-taong gulang na bata sa isang ilog sa Barangay Katipunan, Quezon City.

Nakilalang isang Grade 4 student ang biktima, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkayayaan ang biktima at tatlong batang kapitbahay na maligo sa ilog nitong Sabado ng hapon.

Tumalon ang biktima sa ilog at nalunod. Hindi siya nailigtas ng kanyang mga kasama.

Tumangging magpaunlak ng panayam ang kanyang pamilya. —Joviland Rita/KG, GMA Integrated News