Naaresto ng mga awtoridad sa palengke ng Las Piñas ang isa sa dalawang suspek na nahuli-cam na bumaril at pumatay sa isang babae sa Pasay City noong Setyembre 10, 2023.
Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, kinilala ang suspek na Joshua Albior, na mariing itinanggi na sangkot siya sa krimen.
Pero itinuturo niya ang umanoý mastermind na si Gelbirth Albos Puerto, na nakaangkas sa motorsiklo.
Ayon kay Leiutenant Colones Froilan Uy, hepe ng Pasay Police, may natanggap silang impormasyon tungkol sa lalaking nagkukuwento tungkol sa kinasangkutan niyang krimen sa Pasay.
READ: Babae, itinumba sa kalsada ng riding in tandem sa Pasay
Lumalabas umano na imbestigasyon na si Albior ang rider ng motorsiklo at nakitang nagpaputok din ng baril sa biktima.
Nakuhanan din sa CCTV camera ang mga suspek habang nasa isang gasolinahan.
Ngunit ayon kay Albior, inosente siya sa krimen kaya nanawagan siya sa umano'y utak sa pagpatay na si Puerto na sumuko na.
Naniniwala naman si Uy na si Albior ang mastermind sa krimen base na rin umano sa kuwento nito.
Lumilitaw na kinontrata umano ni Puerto ang biktimang babae para makipagtalik kay Abior.
Pero nang nasa kuwarto na, hindi umano pumayag na makipagtalik ang babae at napagnakawan pa raw ang suspek.
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad si Puerto.-- FRJ, GMA Integrated News