Nawasak ang isang footbridge matapos sumabit ang isang container van na dala ng dumaang trailer truck sa ilalim nito sa bahagi ng Sucat Avenue sa Parañaque City.

Sa ulat ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing humarang naman sa kalsada ang container van.

Nadaganan din ng natapyas na girder ng footbridge ang container van kaya hindi muna madadaanan ng mga pedestrian ang footbridge.

Sinabi ng driver ng truck na hindi mabilis ang takbo niya, nang may narinig na lang siyang kalabog pagkadaan niya sa ilalim ng footbridge.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na walang laman ang container van kaya ito nakaangat at sumabit sa footbridge. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News