Kahit hindi magkakilala, isang bata ang niregaluhan ng bisikleta ng isang pamilya, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang ipinarada ni Mikoy ang biskleta niya sa gilid ng kalsada para bumili ng pandesal.

Maya-maya, kahit maluwag ang kalsada, nagulungan ng pickup ang bisikleta ni Mikoy.

Umalis naman ang pickup nang hindi tinutulungan ang batang walang nagawa kundi tingnan ang nasira niyang bike.

Nag-viral ang video na yan at napanood ng pamilya Duque.

Nahabag sila kaya pinuntahan nila si Mikoy at niregaluhan ng bagong bisikleta. —KBK, GMA News