Sadyang kilala ang Pampanga dahil sa dami ng mga katakamtakam na pagkaing matatagpuan dito.
Isa na diyan ang malambot at napakatamis na karne at masarap pang iulam na tocino. Sa probinsyang ito rin matatagpuan ang sikat na brand na gumawa ng putaheng ito, ang Pampanga's Best.
Alamin kung paano nagsimula ang negosyong ito ni "Apong Lolet" at kung paano nabigyang buhay ang "tocino".
Sa programang "Pinas Sarap", sinabing ginawa ni Lolita "Apong Lolet" Hizon ang tocino noong 1967. Tinimplahan niya ng asin at asukal ang sobrang karneng ibinigay ng kapitbahay, hanggang sa kumalat ang masarap niyang recipe sa kanilang barangay.
Ngayong matagal na ang negosyo, mayroon nang iba't ibang klase ng tocino ang kaniyang sinumulang negosyo na Pampanga's Best, katulad ng kanilang Original Tocino, Tocino Be Lite, at Chicken Tocino. — Jamil Santos / AT, GMA News