Nagtamo ng mga sugat ang isang lalaking rider matapos niyang mabangga ang isang tumatawid na aso sa Kamuning Road sa Quezon City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, inihayag ng rider sa mga awtoridad na hindi niya napansin ang aso kaya nabundol niya ito saka sumemplang.

Ang aso naman, tumakbo lamang palayo.

Hindi makatayo ang biktima sa lakas ng impact ng kaniyang pagkakatumba.

Isinugod ang biktima sa ospital ng Quezon City Rescue Team. — MDM, GMA News