Agaw-pansin ngayon sa Shibuya, Tokyo, Japan ang ilang pampublikong palikuran na gawa sa salamin na kita ang loob mula sa labas.

Pero wala naman daw dapat ipag-aalala ang mga gagamit ng palikuran dahil ginawa ng palikuran na lalabo ang salamin o magiging opaque kapag may tao na sa loob at ini-lock ang pinto.

"There are two things we worry about when entering a public restroom, especially those located at a park. The first is cleanliness, and the second is whether anyone is inside," paliwanag sa The Tokyo Toilet website.

 

 


Nakatayo ang transparent toilets sa Yoyogi Fukamachi Mini Park at Haru-no-Ogawa Community Park.

Bahagi umano ito ng inisyatibo ng The Tokyo Toilet, na layuning i-redesign ang 17 public toilets sa Shibuya. Sa ngayon, lima na umano ang kanilang nagawa.

Pero bakit nga ba nila ito ginagawa: Paliwang ng The Tokyo Toilet sa kanilang website, "Toilets are a symbol of Japan's world-renowned hospitality culture."--FRJ, GMA News