Naging atraksyon sa isang barangay sa Lambayong, Sultan Kudarat ang isang kalabaw na isinilang na dalawa lang ang paa.
Sa ulat ng GMA News "Unang Hirit" nitong Lunes, sinabing wala ang dalawang paa sa unahan ng kalabaw na pinangalanang "Primo."
Ayon sa may-ari ng kalaban, palagi raw na may mga tao na nagpupunta sa kanilang bahay upang silipin ang kalagayan ni "Primo" mula nang kumalat ang balita tungkol sa kondisyon nito noong nakaraang linggo.
Dahil sa kawalan ng mga paa sa unahan, kailangang alalayan o buhatin si Primo para makakain.
Humihiling ng wheelchair ang may-ari ng kalabaw upang madali nilang maililipat si Primo na mabigat ang timbang kung bubuhatin.
Ipasusuri naman sa beterinaryo ang dugo ni Primo pala matukoy kung bakit nagkaroon ng naturang kondisyon ang kalabaw.--FRJ, GMA News