Isang small scale miner sa Tanzania ang biglang yaman dahil sa pambihirang bato na kaniyang nahukay at nabili sa halagang katumbas ng $3.3 milyon.

Sa Twitter post ng AFP news agency, sinabing ibinenta ng minerong si Saniniu Kuryan Laizer sa kanilang gobyerno ang nahukay niyang dalawang malaking tipak ng pambihirang tanzanite gemstone.

Ang isang bato ay tumitimbang ng 9.27 kg, habang 5.1kg naman ang isa pa.

 

 

Sabi ni Laizer, plano niyang gamitin ang kinita niyang pera upang tulungan ang kaniyang mga kababayan.

"With the money we are getting, we will give back to our community. I personally have set up two schools for children with the money I recieve from mining," sabi ni Laizer sa ulat.

Ang nakuhang tipak ng tanzanite gemstone ni Laizer ay kabilang sa mga itinuturing pinakamalaking nakita sa kanilang bansa.--FRJ, GMA News