Nakaranas ng brownout ang ilang residente sa Iwahig at Santa Monica sa Puerto Princesa City nang dahil sa tuko na dumukit sa linya ng kuryente.

 


"Dahilan ng pagkawala ng power may sumabit na tuko sa linya sa harap ng Catholic church sa Santa Monica," saad sa post ng Palawan Electric Cooperative sa kanilang Facebook page nitong Biyernes.

Ayon sa Paleco, naibalik naman ang kuryente sa Iwahig dakong 6:57 a.m., at sunod nito ang Santa Monica.

BALIKAN: Nang 'umatake' ang mga dikya, malawakang blackout sa Luzon ang nilikha

Noong 1999, ilang oras na nabalot ng dilim ang malaking bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila, nang makaranas ng malawakang blackout na ang itinuturong salarin naman ay sangkaterbang dikya. —FRJ, GMA News