Sa taas niyang 25.5 inches o katumbas lang ng tatlong pinagpatong-patong na pitsel, hindi mo aakalain na 27-anyos na si Junjun— ang kinikilalang 'Little Man' ng Matnog, Sorsogon. Alamin ang kaniyang kuwento sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Maliban sa pagtigil ng kaniyang paglaki, hindi na rin nakapagsasalita at hindi rin nakakalakad si Junjun, ang bunso sa limang magkakapatid.

Sa kabila naman ng kaniyang kalagayan, makikita ang pagiging masayahin ni Junjun lalo na raw kapag aalis ito ng bahay kasama ang kapatid.

Dahil nagkasakit ang kanilang ina at na-stroke, si Grace na ang nag-aalaga sa kaniyang kapatid na si Junjun.

Isinantabi na rin muna ni Grace ang kaniyang sariling kaligayan para maalagaan ang kaniyang ina at si Junjun, na minsan daw ay napagkakamalang anak niya.

Pero ano nga ba ang kondisyon ni Junjun? Alamin sa pagtutok na ito ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News