Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA)--batay sa pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS)--ang mga nangungunang traaho na may pinakamataas na arawang sahod sa bansa.

Lumitaw sa resulta ng October 2024 LFS ang sumusunod:

Ang mga trabaho sa Armed Forces ang may pinakamataas na arawang sahod na P1,301, na tumaas mula sa P1,173 bawat araw noong Oktubre 2023.

Kasama rito ang lahat ng trabaho sa Sandatahang Lakas, maliban sa mga nasa mga civil defense katulad ng mga pulis at mga customs inspector.

Sunod sa listahan ang mga propesyonal, partikular ang mga tumatanggap ng arawang sahod na P1,168, na tumaas mula sa P1,135 bawat araw mula sa nakaraang taon.

Ang mga propesyonal ay ang mga nagbibigay ng mga siyentipiko o artistikong konsepto at teorya sa kanilang mga gawain, katulad sa larangan ng agham, social sciences, legal at social services, sining, at iba pa.

Ang mga manager ang ikatlo sa listahan na may arawang sahod na P1,109, na bumaba mula sa P1,254 bawat araw noong Oktubre 2023.

Inilarawan ng PSA ang mga manager na, “who plan, direct, coordinate and evaluate the overall activities of enterprises, governments, and other organizations.”

Ika-apat sa listahan ang mga technician at associate professionals, na tumatanggap ng daily basic pay na P826, na tumaas mula sa dating P785.

Ayon sa PSA, "Technicians are those who perform technical tasks connected with application of scientific or artistic concepts, operational methods, and government or business regulations."

Ang mga clerical support workers ang ikalima na may mataas na arawang sahod na P740, na umangat mula sa P706 noong parehong buwan noong 2023.

Ang mga clerical support work ay kinabibilangan ng pagre-record, pag-organisa, pagtatabi ng impormasyon, at paggawa ng mga clerical na gawain katulad ng paghawak ng pera, pag-aayos ng biyahe, at mga appointment.

 Samantala, ang lima trabaho na may pinakamababang arawang sahod ay:

  •     Skilled agricultural, forestry, and fishery workers - P378
  •     Elementary occupations - P413
  •     Service and sales workers - P525
  •     Craft and related trades workers - P553, at
  •     Plant and machine operators and assemblers - P583

--mula sa ulat ni Ted Cordero /FRJ, GMA Integrated News