Itinuturing na "traydor" na sakit ang sakit sa atay dahil hindi raw kaagad nakikita ang sintomas nito. Pero ano-ano nga ba ang mga indikasyon na mayroong problema sa atay ang isang tao?
Ayon kay Oncologist doctor Isaac David Ampil II, resident doc ng programang "Pinoy MD," maaring wala raw mararamdaman na sintomas ang isang tao sa umpisa ng pagkakatoon ng sakit sa atay.
Lumalabas din umano ang mga sintomas ng sakit kapag malala na ang problema sa kalusugan ng isang tao kaya itinuturing traydor na sakit ang sakit sa atay.
Ilan umano sintomas ng sakit sa atay ay maninilaw ng mata at maging ng balat, makakaramdam ng pangangati ng balat, pamamaga ng tiyak o maging ng katawan, kulay tsaa ang ihi, at maputla ang kulay ng dumi.
Kaya mahalaga umanong ingatan ang atay at liver maging ugaliin ang healty lifestyle.
Panoorin ang buong pagtalakay sa naturang usapin, pati na ang problema sa vertigo. --FRJ, GMA News