Walang kamalay-malay ang ilang surfer sa Plettenberg Bay sa South Africa sa peligrong nag-aabang sa ilalim ng dagat--ang dambuhala at agresibong great white shark.
Dahil sa dumadalas umanong nakikita ang mga pating malapit sa mga tao sa iba't ibang bahagi ng karagatan sa South Africa, naglabas ng babala ang Sea Rescue South Africa (NSRI) para sa mga surfer at mga naliligo sa beach.
Ang isang video, nakita sa drone kung gaano kalapit sa mga surfer ang isang malaking pating. Mabuti na lang at walang nangyaring pag-atake.
"NSRI are appealing to bathers, paddlers, body borders and surfers to be cautious along the Southern Cape coastline and the Eastern Cape coastline, in particular around the coastline of Plettenberg Bay and between Mossel Bay and Jeffreys Bay, due to a high number of reported White shark sightings and White Shark close encounters," saad nila sa pahayag.
Due to a high number of reported White Shark sightings and close encounters, NSRI are appealing to the public exercise caution along the Southern Cape coastline, in particular around the coastline of Plettenberg Bay and between Mossel Bay and Jeffreys Bay.https://t.co/IKbxE3tNhh pic.twitter.com/3uI02FGgSc
— Sea Rescue South Africa (@NSRI) June 23, 2020
Normal umano na tumataas ang bilang ng mga pating na nakikita sa ganitong panahon ng taon dahil sinasamantala umano ng mga hayop na ito ang paghuli sa kanilang makakain tulad ng seals at isda na malapit sa dalampasigan.
"Drone footage of a large White shark in close proximity to surfers in Plettenberg Bay on Tuesday highlights the urgency of this safety appeal," saad pa nila sa pahayag.
Sinabi sa NSRI ni Sarah Waries ng City of Cape Town (CoCT) Shark Spotters programme, na makikita sa video na sinisiyasat ng pating ang mga surfer.
"The shark is aware of the surfers and is investigating the surfers. It is important for people to remember that [great] white sharks are naturally inquisitive Apex predators and that although shark bites are rare, water users must understand the inherent risk associated with sharing the ocean with these animals and change their behaviour accordingly to avoid encountering sharks,” paliwanag niya.--FRJ, GMA News