Tumili nang walang tigil pero huwag bubuksan ang pinto ng sasakyan. Ganito ang bagong pakulo ng horror house sa Japan na ginawang drive-in para iwas-COVID-19 ang mga tao.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng ghost house producer na si Kenta Iwana, 25, na tila mas matindi pa ngayon ang katatakutan sa drive-in horror house kaysa sa dati.

"At the drive-in haunted house, guests are confined in a car so they can't escape the horror until the end," saad niya. "It makes it even more scary for them."

Naisip umano  ni Iwana ang pakulo na drive-in dahil sa epekto ng coronavirus outbreak sa kanilang negosyo na laging nakakansela.

"It's because a haunted house creates an environment with three Cs," patungkol niya sa babala ng Japanese experts sa pagkalat ng virus na "closed spaces, crowded places at close-contact settings."

"Orders for conventional-style haunted houses were cancelled one after another and we lost about 80 percent of our clients," saad niya.

 

?????????????????????
??????????????????????????
?????????????????????????????????…?
??????????????
7??????????????????????????
???????????? pic.twitter.com/oUd2tU9lZZ

— ?????????@??????? Japanese haunted house company (@kowagarasetai) June 8, 2020

Sa drive-in horror house, makakaengkuwentro ng mga bibisita ang mga nakatatakot na bangkay at duguang zombies. Pinatindi pa ito ng effects at sounds.

Ayon sa kasama ni Iwana na si Ayaka Imaide, pinuno ng tinatawag na "squad," maging ang mga Halloween events nila sa Oktubre at Nobyembre ay kinakansela.

Ang "squad" ang inuupahan para mag-set up ng haunted house at amusement parks at mga katulad na venue.

Ang isa sa mga aktor sa horror house na si Kota Hanegawa, natutuwang makita ang reaksyon ng mga tinatakot nila nang malapitan pero protektado pa rin dahil nasa loob sila ng sasakyan.

"It's interesting to see their reactions so close up, while keeping social distance," saad niya.

Umaasa si Imaide na ang bagong pakulo ay makatutulong na maiangat ang kanilang uri ng pagpapasaya na kabilang sa mga naapektuhan ng pandemya.

"I don't know what the right thing to do is... But we want to continue offering a haunted house, even if it means we have to change the style a bit. We want many people to enjoy it, to enjoy being scared," ayon kay Imaide.

Habang nagpapatuloy ang krisis dulot ng virus, itutuloy muna nila ang drive-in concept ng katatakutan. Ang kanilang schedule na gagawin sa isang garahe sa Tokyo sa unang araw ng Hulyo ay sold out umano ang tiket.— AFP/FRJ, GMA News