Ang akala niyang simpleng biro lamang, nagsilbing aral para sa isang vlogger upang huwag gayahin at gawing katuwaan ang mga taong may kapansanan tulad ng karakter ni Ken Chan na si "Boyet" sa hit series noon na "My Special Tatay.
Sa programang" iJuander," ikinuwento ng vlogger na si Benedict Cua nakatanggap siya ng mga puna nang gayahin niya si Boyet.
"I was imitating Boyet before nu'ng time na sobrang sumikat 'yung show niya but during that time nu'ng ginagawa ko siya, may mga tao who took offense, and I understand, and I was educated about it. Sabi nila, minsan when you mimick someone na may sakit or when you mimick someone, like may autism, hindi siya good impression. They're not supposed to be mimicked kasi hindi nga siya joke," saad ni Benedict.
Dahil sa kaniyang karanasan, nagpakumbaba si Benedict at humingi ng paumanhin sa mga hindi natuwa sa content niya. Ngayon, mas responsable na raw si Benedict sa kaniyang vlog.
Panoorin at kapulutan din ng aral ang naging karanasan ni Benedict sa video na ito ng "iJuander."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News