Napapalibutan ng karagatan ang Pilipinas kaya naman hindi kataka-taka na mayaman tayo sa seaweeds o halamang-dagat. Ang nakapanghihinayang lang, hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na makakain nito lalo pa't sinasabing maganda ito sa kalusugan.
Katunayan, may isinasagawang pag-aaralan ngayon ang mga dalubhasa na ang isang uri ng seaweeds, maaari daw na maging panlaban sa cancer cell. Panoorin ang ginawang pagtalakay dito ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," at mga putahe na maaaring gawin sa seaweeds maliban sa salad.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News